Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol sa bahagi ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 222 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos.

Naramdaman ang pagyanig bandang 6:06 ng gabi.

May lalim ang lindol na 103 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang naitalang pinsala sa Jose Abad Santos at karatig-bayan.

Ito ay aftershock ng tumamang magnitude 7.1 na lindol sa offshore Davao Occidentql noong January 21, 2021.

Read more...