Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 2.29 milyon na

Pumalo na sa 2.29 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,294,534 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 466,988.

Sumunod na rito ang Brazil na may 228,883 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 162,922 naman ang death toll sa Mexico habang 154,862 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 110,250
– Italy – 90,241
– France – 77,952
– Russia – 75,205
– Germany – 60,885
– Spain – 60,802
– Iran – 58,256
– Colombia – 55,131

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 105,422,292 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 77,259,562 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...