Baguio City hotels maari nang tumanggap ng mga bisita

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang hirit ng Baguio City na payagan na silang tumanggap ng mga traveler o mga bisita.

Ito ay kahit nasa general community quarantine pa ang Baguio City.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque,  ito ang napagkasunduan ng Inter-Agency task Force matapos ang pagpupulong.

Pero ayon kay Roque, kinakailangan pa rin na sumunod sa istriktong health protocols at contact tracing measures.

“Inaprubahan din po ang request ng Baguio City na i-accommodate ang leisure travelers sa kanilang hotels at iba pang accommodation establishments habang nasa general community quarantine classification ang syudad. Subject pa rin po ito sa strict health protocols at contact tracing measures,” pahayag ni Roque.

Matatandaang ibinalik sa GCQ ang buong Cordillera Administrative Region sa  buong buwan ng Pebrero matapos tumaas muli ang kaso ng Covid 19.

 

Read more...