Malaki ang tsansa na aprubahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang aplikasyon face-to-face classes ng iba’t-ibang eskwelahan na nag-aalok ng medical programs.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, welcome sa lokal na pamahalaan ang aplikasyon ng Centro Escolar University, Emilio Aguinaldo College, Far Eastern University at iba pang medical school.
Sa ngayon, tanging ang University of Santo Tomas pa lamang ang pinapayagan na makapagsagawa ng face-to-face classes.
Malaki rin aniya ang tsansa na payagan ang mga maliliit na nursing schools na makapagsagawa ng face-to-face classes basta’t siguraduhin lamang na makasusunod sa mga guidelines na itinakda ng Commission on Higher Education.
Nag-aalok din aniya ang lokal na pamahalaan ng libreng swab test sa mga estudyante na dadalo sa face-to-face classes.