Ilang lugar sa Navotas mawawalan ng suplay ng kuryente

Mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Navotas bukas, February 6, 2021.

Base sa abiso ng Meralco, mawawalan ng suplay ng kuryente mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa bahagi ng Merville Street mula Capt. E. Cruz street at Tanza Bridge hanggang sa Navotas Socialized Housing Project.

Kasama rin sa mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Gasak Carville Subdivision at Merville Subdivision, Tanza National High School at Dona Aurora Pumping Station.

Ayon sa Meralco, papalitan ang poste ng kuryente at lalagyan ng dagdag na lightning protection devices at line reconductoring works sa Merville Subdivision sa Brgy. Tanza, Navotas City.

Read more...