Ito ay matapos aprubahan ng Regional Inter-Agency Taskforce ang hiling ni Mayor Jefferson Soriano na ipatupad ang GCQ sa lungsod.
Epektibo ang GCQ sa nasabing lugar simula 12:01, Huwebes ng madaling-araw (February 4, 2021), hanggang Miyerkules ng hatinggabi (February 10, 2021).
Ayon sa Tuguegarao City Information Office, layon nitong bigyang daan ang ibang sektor na makapag-operate sa lungsod.
Istrikto pa rin naman anila ang gagawing pag-monitor sa pagpapatupad ng minimum health standards.
Narito ang mga panuntunan sa Tuguegarao City habang nakasailalim sa GCQ:
MOST READ
LATEST STORIES