348 pang Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19

May 348 bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang February 4, nasa 14,389 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 86 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 4,383 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

88 naman ang bagong gumaling kung kaya 9,052 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 954 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,073 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 2,679 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 841 naman ang kaso sa Americas at 2,796 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...