Deadline sa party-list nominee’s substitution itinakda ng Comelec

Hanggang sa Nobyembre 15, ngayon taon, na lang papayagan ang mga partylist groups na magpalit ng kanilang nominees kung ang kadahilanan ay pag-atras ng nominado sa pagtakbo sa eleksyon sa susunod na taon

Ayon pa sa Comelec kung binawi ng isang nominado ang kanyang nominasyon, hindi na siya maari pang gawin nominado muli ng kanilang grupo, maging ng ibang grupo.

Ngunit kung namatay ang nominado, ang substitution of nominee ay papayagan hanggang sa mismong araw ng botohan.

Malalagay din sa hulihan ng listahan ng mga nominado ang papalit sa umayaw na kandidato.

Kinakailangan din mailathala ng partylist groups ang listahan ng kanilang substitute-nominees at kailangan magsumite ng kopya ng nailathalang listahan sa Comelec.

Read more...