Mga nabigyan ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2, nadagdagan pa

Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakahuling datos ukol sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.

Sa datos hanggang 8:00, Miyerkules ng gabi (February 3), umabot na sa 74,930 na pamilyang benepisyaryo sa granular lockdown ang nabigyan ng ayuda.

Dahil dito, umabot na sa higit P396.2 milyon ang naipamahagi ng kagawaran.

Samantala, higit P3.1 bilyon naman ang naipamahagi sa 473,762 na karagdagang benepisyaryo.

Tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2.

Read more...