Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (February 4), umabot na sa 531,699 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 32,775 o 6.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,590 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
88.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.9 porsyento ang asymptomatic; 0.53 porsyento ang moderate; 2.3 porsyento ang severe habang 2.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 55 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 10,997 o 2.07 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 249 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 487,927 o 91.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.