Pagbili ng 15 Black hawk helicopters, aprubado ni Pangulong Duterte

PCOO photo

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng 15 Black hawk helicopters.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ito ay bilang bahagi ng pagpapalakas ng puwersa ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Nograles, ipinag-utos din ng Pangulo ang decommissioning ng lahat ng Huey helicopters matapos bumagsak ang isang unit nito noong nakaarang buwan sa Bukidnon.

Pito katao ang nasawi sa naturang aksidente.

Read more...