Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 104,911,243 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 27,150,457 cases.
Sumunod na rito ang India na may 10,791,123 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 9,339,921 naman ang kaso sa Brazil habang 3,901,204 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 3,871,825
– France – 3,251,160
– Spain – 2,913,389
– Italy – 2,583,790
– Turkey – 2,501,079
– Germany – 2,252,489
– Colombia – 2,125,622
– Argentina – 1,952,744
– Mexico – 1,886,245
– Poland – 1,527,016
– South Africa – 1,463,016
– Iran – 1,438,286
– Ukraine – 1,227,164
– Peru – 1,158,337
– Indonesia – 1,111,671
– Czechia – 1,003,657
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,278,586 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 76,797,030 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.