Ayon kay Go pinag-aaralan na ng mga mambabatas at economic managers ang pagsusulong ng Bayanihan 3 para patuloy na matulungan ang mga ordinaryong mamamayan sa gitna ng kasalukuyang krisis pangkalusugan.
“Kung kakayanin ng ating pondo, sana ay makapagbigay pa tayo ng dagdag na ayuda sa mga kababayan nating nawalan ng kabuhayan, lalo na’t nababalitang maraming nagugutom sa iba’t ibang parte ng bansa,” sabi ng senador.
Pagdidiin lang niya kailangan lang tiyakin na walang nasasayang at naibubulsa ng iilan na pondo ng bayan.
“Una sa lahat, sinisigurado natin na magagamit ng wasto ang pondo ng bayan. Hindi tayo papayag na may nagsasamantalang iilan habang naghihirap ang karamihan ng ating kababayan,” diin nito.
Tiwala si Go na malaking tulong din sa pagpapasigla ng ekonomiya ang pagdating ng mga bakuna laban sa nakakamatay na sakit.