Ito ang sinabi ni Tourism Usec. Roberto Alabado sa pagdinig ng House Committee on North Luzon Growth Quadrangle at ibinihagi nito na umabot lang sa 1.3 milyon banyagang turista ang bumisita sa bansa noong nakaraang taon.
Lubhang napakababa ng bilang kumpara sa 8.3 million foreign tourists arrival noong 2019.
Sinabi naman ng opisyal na gumagawa na ng mga pamamaraan ang kagawaran para pasiglahin muli ang turismo sa pamamagitan ng ‘domestic market.’
Inihalimbawa nito ang ipinapakalat nilang video campaigns kung saan naipapakita ang ganda ng mga local tourist destinations.
Pagtitiyak naman ni Alabado na sa pagpapasigla nila ng turismo ay prayoridad pa rin nila ang kaligtasan at kalusugan ng mga turista.