Sen. de Lima: ‘Cha-cha moves’ ng administrasyon, sablay sa panahon

“Hirap na hirap na ang taumbayan. Samantala, itong administrasyong-Duterte sa Cha-cha pa rin nahuhumaling.”

Ito ang puna ni Sen. Leila de Lima dahil aniya, panay ang pagpapahayag ng gobyerno ng malasakit sa mamamayan ngunit ang pagbabago pa rin sa Saligang Batas ang tila binibigyang prayoridad.

Pahiwatig ng senadora, nasasayang ang panahon at pondo ng bayan sa pansariling interes.

“Fix your priorities, Mr. President, the people have been suffering for so long. Nandyan ang matinding pagtaas ng bilihin at makupad na implementasyon ng price ceiling, at ang kakulangan ng ayuda para sa mahihirap sa gitna ng pandemya,” diin ni de Lima.

Binanggit nito ang pagpapalabas na sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11291 o ang “Magna Carta of the Poor.”

Nakakatiyak ang senadora na mas makakatulong ang batas sa mga mahihirap dahil palalakasin nito ang karapatan sa pagkain, tahanan, trabaho, edukasyon, bahay at kalusugan.

Read more...