Magpapatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng Cabinet meeting, Miyerkules ng gabi, Pebrero 3.
Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa mabatid kung anong agenda sa Cabinet meeting.
Karaniwang ginagawa ng Pangulo ang Cabinet meeting tuwing araw ng Lunes.
Huwebes bandang 10:00 ng umaga (February 4), magsasagawa ng press briefing Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles para magbigay ng update sa policy directives ni Pangulong Duterte kaugnay ng gaganaping Cabinet meeting, Miyerkules ng gabi.
MOST READ
LATEST STORIES