Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (February 3), umabot na sa 530,118 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 31,455 o 5.9 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,266 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
88.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.8 porsyento ang asymptomatic; 0.53 porsyento ang moderate; 2.4 porsyento ang severe habang 2.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 68 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 10,924 o 2.06 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 130 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 487,721 o 92 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.