Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 30,536 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (February 3).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,051 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

Mayroon ding bagong gumaling sa lungsod.

Bunsod nito, 28,676 o 94 porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 809 na o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 162,037 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...