Global death toll bunsod ng COVID-19, lagpas 2.26 milyon na

Pumalo na sa 2.26 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,262,795 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 457,856.

Sumunod na rito ang Brazil na may 226,383 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 159,533 naman ang death toll sa Mexico habang 154,635 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 108,013
– Italy – 89,344
– France – 77,238
– Russia – 74,158
– Spain – 59,805
– Germany – 59,386
– Iran – 58,110
– Colombia – 54,576

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 104,393,853 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 76,273,919 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo

Read more...