Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala upang patawan ng buwis ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na nag-o-pperate sa bansa.
Sa viva voce voting ay naaprubahan ang House Bill 5777 na mag-aamyenda sa National Internal Revenue Code.
Layunin ng panukala na makakolekta ng buwis sa mga POGO gayundin ang mga workers nito.
Sa ilalim nito, papatawan ng 5% franchise tax ang annual gross revenue ng mga POGO.
Ang mga POGO workers naman ay papatawan ng withholding tax na katumbas ng 25% ng kanilang pinagsamang salaries, wages, annuities, compensation, remuneration, at iba pa tulad ng allowances at honoraria o katumbas ng minimum gross annual income na P600,000.
Inaasahan kikita ang gobyerno ng P45 Billion kada taon sa pagbubuwis sa POGO.