Abu Sayyaf sub-leader patay sa engkuwentro sa Zamboanga City

 

Isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group ang napatay ng mga pulis sa Zamboanga City.

Nabatid na pinasok ng mga awtoridad ang safehouse nito alas-3 ng madaling araw at makipagbarilan si Arrasid Adjing Halissam alias Guru Ara sa mga pulis na magsisilbi sa kanya ng warrant of arrest para sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Sinabi ni PNP Chief Debold Sinas na bahagi si Halissam sa planong paghahasik ng lagim sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Miyembro ng Dawlah Islamiyah si Halissam at kabilang ssa mga pinagkakatiwalaan ng napatay na ISIS – ASG leader Isnilon Hapilon at tumulong sa napatay na Zulkipli bin Hir alias Marwan.

Ayon pa kay Sinas nang mapatay si Hapilon sa Marawi City noong 2017, lumipat si Halissam sa napatay na ring ASG leader Hatid Hajan Sawadjaan.

Kasama si Halissam sa mga insidente ng pagdukot at pamumugot simula noong 2009 hanggang 2012, gayundin sa mga insidente ng pambobomba, kabilang ang Jolo Cathedral bombing noong 2019 at ang pinakahuli ay ang twin suicide bombing sa Jolo din noong nakaraang Agosto.

 

 

Read more...