Magnitude 3.6 na lindol yumanig sa Davao Oriental

Phivolcs Facebook photo

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng General Generoso, Davao Oriental, umaga ng Miyerkules.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs naitala ang lindol dakong 5:50 ng umaga.

Nasukat ito sa layong 194 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Governor Generoso.

May lalim na 139 kilometro ang lindol at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naiulat na intensity ang nabanggit na paggalaw ng lupa.

 

Read more...