BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 528,000 na

Mahigit 1,500 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (February 2), umabot na sa 528,853 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 30,368 o 5.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,583 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

89 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.3 porsyento ang asymptomatic; 0.54 porsyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 2.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 67 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 10,874 o 2.06 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 39 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 487,611 o 92.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...