LTO, hindi pa manghuhuli ng hindi gumagamit ng child seat

Iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na hindi pa sila manghuhuli ng mga lalabag sa Republic Act 11229 o ang car seat law.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante, ngayong epektibo na ang batas ang gagawin muna nila ay information dissemination.

Sinabi naman Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, tagapagsalita ng DOTr, bagama’t epektibo na ang batas ay hindi nila ipatutupad ang pagpapataw ng multa at parusa sa mga mahuhuling lalabag dito.

Sa pahayag ng LTO, magkakaroon muna ng tatlo hanggang anim na buwan na information and education drive.

Dahil nasa pandemic din aniya ang bansa kaya ikinunsedera rin ni Transport Secretary Arthur Tugade na wala munang magaganap na hulihan.

Hindi rin aniya sa ngayon sakop ng batas ang public utility vehicles dahil kailangan pang magkaroon ng pag-aaral sa pagpapatupad nito na isumite sa Kongreso.

Maituturing namang silent pandemic ang aksidente sa kalsada dahil sa dami nito.

Ayon kay Asec. Mark Steven Pastor, Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure, base sa tala ang Philippine Statistics Authority, simula 2006 hanggang 2014 ay 17 porsyento o 12,000 bata na wala pang isang taon hanggang 19-anyos ang nagiging biktima ng aksidente.

Ito aniya ay apat hanggang limang bata kada araw.

Iginiit din n g DOTr na tagapagpatupad lamang sila ng batas na ipinasa ng Kongreso.

Read more...