Donasyong bigas para Kidapawan rally victims, hindi tatanggapin ng North Cotabato Gov

 

Hindi umano tatanggapin ni North Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang anumang donasyon na manggagaling sa sinumang kumakandidato sa pagka-pangulo para sa mga biktima ng marahas na Kidapawan rally dispersal.

Katwiran ng gobernador, bagaman batid niya ang pangangailangan ng kanyang mga constituents ay hindi naman siya makapapayag na samantalahin ito ng mga kumakandidato para mamulitika.

Nagalit si Mendoza sa balitang may ilang mga pulitiko ang nangakong magbibigay ng tulong sa mga protesters sabay sabing haharangin niya ang mga iyon.

Naniniwala siya na malaking insulto  sa kanyang liderato ang pagdo-donate ng bigas sa kanyang lalawigan.

Read more...