Ito ay bilang bahagi ng tungkulin ng ahensya na protektahaan ang bansa laban sa smuggled items
Sa pamamagitan ng Letter of Authority na inilabas ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, nagsagawa ng inspeksyon sa naturang storage facilities ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng POM katuwang ang Enforcement and Security Service Quick Reaction Team (ESS-QRT), National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine Coast Guard (PCG).
Dito nadiskubre ang 4,000 bales ng ukay-ukay na tinatayang aabot sa P20 milyon ang halaga.
Inilabas ang warrant of seizure and detention sa mga produkto at sasailalim sa mas masusing imbestigasyon para sa posibleng paghahain ng kaso dahil sa paglabag sa Section 1400 na may kinalaman sa Section 118 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Siniguro naman ni POM district Collector Michael Angelo DC Vargas na patuloy silang kikilos upang maiwasan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na produkto sa bansa.