Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa 103.93 milyon

Pumalo na sa mahigit 103.93 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 103,934,813 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 26,911,375 cases.

Sumunod na rito ang India na may 10,767,206 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 9,230,016 naman ang kaso sa Brazil habang 3,868,087 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 3,835,783
– France – 3,201,461
– Spain – 2,852,729
– Italy – 2,560,957
– Turkey – 2,485,182
– Germany –  2,232,316
– Colombia – 2,104,506
– Argentina – 1,933,853
– Mexico – 1,869,708
– Poland – 1,515,889
– South Africa – 1,456,309
– Iran – 1,424,596
– Ukraine – 1,221,485
– Peru – 1,142,716
– Indonesia – 1,089,308

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,247,755 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 75,755,635 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...