Leave of absence ni Secretary Año, pinalawig pa

Pinalawig pa ni Interior Secretary Eduardo Año ang medical leave hanggang sa katapusan ng Pebrero 2020.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, ito ay base sa payo ng mga doktor ni Año.

Matatandaang dalawang beses na nag-positibo sa Covid 19 si Año.

Payo ng mga doktor kay Año, maghinay-hinay sa trabaho para tuluyang lumakas ang katawan.

Itinalaga naman si Interior Undersecretary Bernardo Florece bilang officer-in-charge.

Read more...