Wala munang gagawing panghuhuli sa susunod na anim na buwan ang Land Transportation Office sa mga drayber na hindi tatalima sa Republic Act Number 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act.
Ito ang bagong batas na nag-oobliga sa paggamit ng car seats para sa mga batang 12 anyos pababa.
Ayon kay LTO Law Enforcement Deputy Director Roberto Valera, walang huli at hindi rin bibigyan ng violation ticket ang mga drayber.
Sa ngayon kasi aniya, inaayos pa ng LTO ang inspection protocols.
Pagtutuunan din ng pansin ng LTO ang pagbibigay ng sapat na edukasyon sa mga drayber.
Katunayan, sinabi ni Valera na mamahagi ang LTO enforces ng flyers para maintindihan ng husto ang bagong batas.
Pero pagkatapos ng anim na buwan, tulyo na ang implementasyon ng batas.
Una rito, sinabi ng LTO na simula ngayong araw, Pebrero 2, sisimulan na ng kanilang hanay ang pagpapatupad ng bagong batas.