Hinimok ni retired Supreme Court Justice at Chancellor ng Philippine Judicial Academy Adolf Ascuna na tingnan ng Kongreso kung saan ilalagay ang mga katagang “unless otherwise provided by law” sa binabalangkas na Charter Change.
Paliwanag ni Ascuna sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments hindi siya tutol sa pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng Saligang Batas.
Gayunman, kapag sa dulo aniya ng proposal ilalagay ang mga katagang “unless otherwise provided by law” ay mangangahulugan na lahat ng mga naunang mga probisyon ng Saligang Batas ay maaring palitan sa pamamagitan ng batas na gagawin ng Kongreso.
Paliwanag nito, kailangang policy lamang na may kaugnayan sa foreign ownership sa mga investment ang dapat na palitan.
Napapanahon na aniya ito lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Sa katunayan, noon aniyang panahon ni dating Speaker Sonny Belmonte ay isa siya sa nagmungkahi nito.