Japanese submarine, dumaong sa Subic

 

Nasa bansa na ang Japanese submarine na JS Oyashio para sa isang goodwill visit.

Dumaong ang JS Oyashio sa Alava Pier sa Subic Freeport kaninang dakong alas 9:00 ng umaga, Linggo.

Kasama ng naturang submarine ang dalawa pang Japanese warships na JS Ariake at JS Setogiri na dumating naman dakong alas-10:00 ng umaga.

May 400 crew ang tatlong sasakyang pandigma ng Japan, ayon kay Capt. Hiroaki Yoshino ng JS Ariake.

Mananatili ang tatlong warships ng tatlong araw sa bansa upang palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Philippine Navy at Japan Maritime Self Defense Force.

Magkakaroon din ng confidence building activities sa pagitan ng Japanese Navy personnel at mga counterparts nito sa Philippine Navy.

NIlinaw din ni Capt. Yoshino na walang kinalaman ang tensyon sa South China Sea sa pagbisita ng kanilang puwersa dito sa Pilipinas.

 

Read more...