Patay ang hindi baba sa 30 Azerbaijani at Armenian na mga sundalo matapos magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa agawan ng teritoryo sa rehiyon ng Nagorno Karabakh.
Nanawagan ang Russia at iba pang Western countries na magkaroon ng ceasfire matapos magkaroong ng engkwentro.
Ayon kay Armenian President Serzh Sarkisian nasa 18 Armenian troops ang namatay habang nasa 35 ang sugatan sa itinuturing na “largest-scale hostilities” mula noong 1994 truce na nagpatigil sa giyera kung saan nakuha ng Armenia sa Azerbaijan ang pinag-aagawang teritoryo.
Di nilinaw ni Sarkisian kung ito ay tropa mula sa di kinikilalang bansa na Karabakh na nagdeklara ng sarili nilang kalayaan o mismong ng Armenia.
Nauna ng ssinabi ng defense ministry ng Azerbaijan na 12 sa kanilang mga sundalo ang namatay at isang military helicopter ang pinabagsak sa naganap na sagupaan.
Ang nagyaring sagupaan patungkol sa agawan ng teritoryo ay sinasabi ding kumitil ng isang Armenian at isang Azeri na pawang mga sibilyan na nagsimula matapos akusahan ng dalawang bansa ang isa’t-isa sa ng pag-atake.