Sinabi ni “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao na naiisip niyang na lumaban sa paparating na Olympics bilang delegado ng bansa kung magiging bukas ang boxing competition ng nasabing sports event sa mga professional fighters tulad niya.
Ayon kay Bob Arum, ang kanyang promoter na ang ideya na makakapaglaro ang isang professional athlete sa Rio Olympics, tulad ni Pacquiao na isang eight-time world champion ay hindi magandang ideya.
Dagdag ni Arum na ang ideyang pagpayag ng Olympics sa isang biglaang abiso na makasali ang mga professional athletes ay isang kabaliwan.
Iminungkahi ng head ng International Boxing Association o AIBA ang pagpayag sa pros na makasali sa Olympics pero dahil sa alanganin na maipatupad ito sa Rio dahil karamihan sa qualification tournaments ay tapos na o patapos na sa iba’t-ibang bansa.
Sinabi ni Pacquiao na hindi niya sinasarado ang pinto para sa posibilidad na makalaban sa Olympics. Kakalabanin ni Pacquiao sa susunod na linggo ang American boxer na si Timothy Bradley, ito ang unang laban niya matapos ang pagkatalo kay Floyd Mayweather Jr. noong nakaraang taon.