Lea Salonga, magiging guest star sa American TV series na “Crazy Ex-Girlfriend”

inquirer file photo

Magiging guest star si Lea Salonga sa season finale ng American TV series na “Crazy Ex-Girlfriend”, ang kauna-unahang primetime series sa mainstream US television na magtampok ng buhay ng Filipino-American na pinagbibidahan ng malaking bilang ng mga Filipino actors.

Mismong si Rachel Bloom, ang bida at co-creator ng show na itinuturing na isang groundbreaking comedy-musical series sa CW network, ang nag-reveal na si Lea Salonga ay mapapanood sa April 18 episode ng programa.

Ginaganapan ni Bloom ang karakter na si Rebecca Bunch, na isang Harvard-educated na lawyer na umalis sa kanyang magandang trabaho sa New York upang lumipat sa West Covina sa Los Angeles, kung saan maraming Filipino ang nakatira para habulin ang kanyang ex-boyfriend na si Josh Chan na ginagampanan ni Vicent Rodriguez III, na isang Filipino-American.

Ayon kay Bloom ang magiging role ni Salonga, na isang Tony at Olivier winner ay si Aunt Myrna, tiyahin ng ex-boyfriend ng kanyang karakter kung saan tampok din bilang writer ng episode si Rene Gube na isa ding Filipino-American.

Nanalo si Bloom sa kanyang naging pagganap sa programa ng Best Actress in Televesion Series Musical or Comedy sa Golden Globe Awards at Best Actress in a Comedy Series sa Critics’ Choice Awards.

Read more...