San Antonio, Zambales nilindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang San Antonio, Zambales.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 29 kilometers Southwest ng San Antonio dakong 5:45 ng hapon.

May lalim ang lindol na 27 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Olongapo City.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...