Dalawa pang Filipino abroad, nasawi dahil sa COVID-19

May tatlong bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang February 2, nasa 13,963 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 85 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 4,092 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Wala namang bagong gumaling kung kaya 8,919 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 952 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,881 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 2,473 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 836 naman ang kaso sa Americas at 2,773 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...