Pagbibigay kapangyarihan kay Pangulong Duterte na suspendihin ang SSS premium hike, pasado na sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala na nagbibigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang nakatakdang SSS contribution hike sa taong 2021.

Sa botong 228 na YES at 6 na NO, nakapasa ang House Bill 8512 na layong amyendahan ang Section 4 A.9 ng Social Security Act of 2018.

Sa ilalim ng panukala ay mayroong kapangyarihan ang Pangulo na suspindihin ang nakatakdang contribution increase kaakibat ng gagawing konsultasyon sa Finance Secretary na siyang ex-officio member ng Social Security Commission.

Ikukunsidera ang pagpapaliban sa SSS contribution rate increase sa panahon na nahaharap sa national emergency ang bansa.

Sa taong 2021, dapat ay naka-schedule na itaas sa 13 porsyento ang share ng employer at empleyado sa SSS contribution mula sa kasalukuyang 12 porsyento.

Read more...