Panukala para bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na ipahinto ang Philhealth premium hike, lusot na sa Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na nagbibigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang pagtaas sa premium ng Philipline Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Sa botong 227 na YES at 6 na NO, pumasa ang House Bill 8461.

Sa ilalim ng panukala, aamyendan ang Section 10 ng Republic Act 11223 o Universal Health Care Act kung saan nakatakdang tumaas ngayong 2021 sa 3.5 porsyento mula sa kasalukuyang 3 porsyento ang premium rate contribution sa PhilHealth members.

Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay kapangyarihan sa Pangulo na i-defer o suspendihin ang scheduled PhilHealth premium rate contribution matapos ang konsultasyon sa mga kalihim ng Department of Finance (DOF) at sa Department of Health (DOH).

Ipapatupad ang suspensyon sa PhilHealth premium rate hike kapag may national health emergency lalo na kung nakasalalay dito ang kapakanan ng publiko.

Read more...