Paghati sa 2nd district ng Rizal Province inaprubahan sa Senado

Dalawamput tatlong senador ang sumang-ayon sa panukalang hatiin sa tatlong legislative districts ang kasalukuyang second district ng Rizal Province.

 

Si Sen. Francis Tolentino, na siyang namumuno sa Senate Committee on Local Government, ang nag-sponsor ng House Bill No. 6222.

 

Sa panukalang batas, mananatili ang mga bayan ng Cardona, Baras, Tanay, Morong, Jala-jala, Pililla at Teresa sa 2nd district, samantalang ang Rodriguez ang maitatag na 3rd Congressional district at ang bayan ng Rodriguez ang magiging 4th district.

 

Umaasa si Tolentino sa panukala ay magkakaroon ng sapat na kinatawan ang mga nabanggit na bayan sa Kongreso at magkakaroon ng katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa pangangailan ng mga taga-Rizal.

 

Bukod dito, matutulungan din ang rehabilitasyon at pagpapatatag ng kapasidad ng lalawigan sa pagtugon sa kasalukuyang pandemya.

 

Dagdag pa ng senador, base sa kuwalipikasyon ng mga naturang bayan pumasa na ang mga ito para sa ‘reapportionment.’

 

Hiniling din nina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Pia Cayetano, Win Gatchalian, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Francis Pangilinan, Koko Pimentel, at Joel Villanueva na maging co-sponsors ng panukala.

 

Read more...