109 pang residente sa Eastern Visayas, gumaling sa COVID-19

May 54 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 10:00, Lunes ng umaga (February 2), umakyat na sa 14,081 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 637 o 4.52 porsyento ang aktibong kaso.

109 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 13,264 o 94.20 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 180 na ang mga residenteng nasawi o 1.28 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...