Pagdinig sa mga panukalang pagbuo sa Department of Overseas Filipinos ikakasa – Sen. Joel Villanueva

Inanunsiyo ni Senator Joel Villanueva na makakapagsagawa na ng mga pagdinig para sa mga panukalang pagbuo ng mga bagong tanggapan ng gobyerno, kasama na ang Department of Overseas Filipinos.

Ito aniya matapos magdesisyon ang Senate Committee on Rules na payagan ang mga komite na dinggin na ang mga panukala para sa mga bagong tanggapan at kasabay nito ang pagdinig sa isinusulong na ‘rightsizing’ sa gobyerno.

“This is a welcome development. We will resume the committee hearings into the overseas Filipino department bills. The pandemic has exposed the weakness of our policies on OFWs, particularly our reintegration program to help them transition back to the local labor force,” ayon sa namumuno sa Committee on Labor ng Senado.

Nabanggit din nito ang mga kahaharapin hamon dala ng mga panukala, lalo na ang isinusulong na DOFil; “hindi lang po ito simpleng lipat-bahay na gawain dahil kailangan po natin itatag ang departamento na may malinaw na mandato at maglatag ng solusyon, hindi lamang sa mga isyu ng ating mga OFW, kundi sa pagsiguradong hindi kapit-sa-patalim ang paninilbihan sa ibang bansa.”

Pinuri naman si Villanueva nina Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Minority Leader Frank Drilon sa kanyang pagpupursige na maisaayos ang pagbibigay proteksyon sa mga manggagawa at OFWs.

Read more...