Matapos maging negatibo sa COVID 19 ang kanyang swab test, nagbalik na sa trabaho si Vice President Leni Robredo ngayon araw.
Ayon kay Robredo mula sa limang araw ay nadagdagan pa ng dalawang araw ang kanyang pag-quarantine o self-isolation bilang pag-iingat na rin.
Ito aniya ay payo sa kanya ng kanilang doktor, na pinayuhan din sila na magbago ng protocols.
Sumailalim siya sa swab test kahapon ng umaga at lumabas na negatibo siya sa coronavirus.
Sa kabila naman ng kanyang self-isolation, nag-trabaho pa rin si Robredo at dumalo sa mga virtual meetings.
MOST READ
LATEST STORIES