Sa isang panayam, ibinahagi ni PAGASA weather specialist Chris Perez, 19.9 degrees Celsius ang lamig kahapon sa Kalakhang Maynila at 9.4 degrees Celsius naman sa Baguio City.
Sinabi pa ni Perez inaasahan na sa susunod na tatlong araw ang lamig sa Baguio City ay maaring nasa 10 – 12 degrees Celsius, samantalang sa Metro Manila naman ay maaring nasa pagitan ng 20 – 22 degrees Celsius.
Paliwanag niya ang mababang temperatura ay maaring patuloy na mararamdaman hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero bunsod na rin ng hanging amihan, ang malamig na hangi na nanggagaling sa China at Siberia.
Malaking bahagi ng bansa ang nakakaranas ng malamig na hangin, na nagsimula noong nakaraang Nobyembre.