BREAKING: 2,103 panibagong COVID-19 na naitala ng DOh; 80 nadagdag sa nasawi

Nakapagtala ang Department of Health ng mahigit dalawang libo at isandaang panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 525,618 ang bilang ng mga nagkasakit.

Ito ay matapos makapagdagdag ng 2,103 na nagpositibo kaya umakyat na sa 27, 318 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 11, 653 ang panibagong gumaling kaya umabot na ito sa 487, 551.

80 naman ang nadagdag sa nasawi kaya umakyat na ito sa 10, 749.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (27,318) ang aktibong kaso, 92.8% (487,551) na ang gumaling, at 2.05% (10,749) ang namatay.

Inalis naman sa kabuang bilang ang isang nakarecover na nadoble ang entry.

Mayroon namang limang kaso na naunang iniulat na nakarecover ang inilagay sa namatay matapos ang isinagawang final validation.

Sampung laboratory naman ang bigong makapagsumite ng kanilang data.

Read more...