Amihan pa rin ang nakaaapekto sa buong bansa.
Ayon sa PAGASA, ang Eastern Visayas, Caraga at Northern Mindanao at makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan.
Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora at Quezon ay magiging maulap din ang himpapawid na may bahagyang pag-ulan.
Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na kung minsan ay may kasamang pag-ulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Sabi ng weather bureau ang sitwasyon ng panahon ay bansa ay dala ng Amihan.
Ang araw ay sumikat 6:25 ng umaga at inaasahang lulubong mamayang 5:55 ng hapon.
MOST READ
LATEST STORIES