2,109 na bagong kaso ng Covid 19 naitala ng DOH

Aabot sa 2,109 na bagong kaso ng COvid 19 ang naitala ngayong araw, Enero 30, 2021.

Ito ay base sa pinakahuling talaan na inilabas ng Department of Health.

Dahil dito, sinabi ng DOH na nasa 523, 516 na ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa Covid 19.

Sa naturang bilang, 36,943 ang active cases na mayroong severe respiratory disease.

Samantala, 146 naman ang nakarekober ngayong araw.

Pitumpo’t-isa naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuang bilang, 475, 904 ang mga gumaling habang 10, 669 ang mga nasawi.

 

Read more...