238 pang residente, tinamaan ng COVID-19 sa Central Visayas

Nagkaroon pa ng 238 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang January 29, 28,339 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 3,118 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 106 ang bagong gumaling kung kaya 23,752 na ang COVID-19 recoveries.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,469 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...