Ayon sa Department of Transportation (DOTr), naitala ang nasabing bilang ng mga napauwing OFW hanggang January 28.
Sa nasabing bilang, 131,563 ay naihatid sa pamamagitan ng land transport at 223,476 naman ang air transport simula May 25 hanggang January 28.
Samantala, 74,179 OFWs namam ang nakauwi naman via sea transport mula April 27 hanggang January 28.
Sa pagitan ng nasabing petsa, walang naging biyahe sa June 1, 3, 8, 12, 15, 20, 24 at 28 at mula August 10 hanggang 13.
Pinangunahan ng DOTr ang naturang programa katuwang ang Office of the President, National Task Force Covid-19, Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Tourism (DOT), Philippine Ports Authority (PPA), Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).