Quezon City, mayroon pang 1,215 na active COVID-19 cases

Nadagdagan pa nang 85 na bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 30,196 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Biyernes ng umaga (January 29).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,215 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

Mayroon ding bagong gumaling sa lungsod.

Bunsod nito, 28,176 o 93 porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 805 na o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 156,891 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...