Unang COVID-19 vaccination simulation sa Muntinlupa, pinangunahan ni Mayor Fresnedi

Muntinlupa LGU photo

Pinangunahan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang kauna-unahang COVID-19 vaccination simulation sa lungsod, araw ng Biyernes.

Layon nitong ipakita sa mga residente ng lungsod kung paano ang magiging proseso sa pagbibigay ng bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Naka-secure ang Muntinlupa LGU ng 400,000 doses ng bakuna mula sa AstraZeneca.

Nasa 28 pampublikong paaralan ang gagamitin bilang vaccination centers.

Sinabi ng Muntinlupa LGU na sumailalim sa pagsasanay para sa pagbabakuna ang itatalagang 56 teams sa centers.

Kasama rin sa vaccination program ng lungsod ang Ospital ng Muntinlupa, Research Institute for Tropical Medicine o RITM, at Asian Hospital.

Tiniyak din ang puspusang paghahanda ng mga doktor mula sa City Health Office at iba pang mga opisyal upang maging matagumpay ang pagbabakuna sa Muntinlupa.

Sinabi rin ng Muntinlupa LGU na magkakaroon ng Health Education Program ang HEPO at PIO para maunawaang mabuti ng publiko ang kahalagahan ng pagpapabakuna.

Muntinlupa LGU photo
Read more...